Panaginip


Hi. Gustong ko lang sanang ishare ang mga nangyayare sa panaginip ko, nanaginip kasi ako tungkol sa mga zombies. 

So ayun na nanaginip ako nasa school kami non mga high school days dun mismo sa BNAHS. Parang yung kwento sa panaginip ko totoo, malakas kasi kaming mangtrip nang mga kaibigan ko. Kaya eto na may mga sumisigaw at nag tatakbuhan sa hallway ee saktong nasa hallway din kami kase pinalabas kami nang teacher namin. 

Then narinig na din siguro nila biglang nasalabasan yung mga tao sa room nga nagsigawan at nag takbuhan na rin. Kaya kaming magkakaibigan di kami nag hiwahiwalay, tumakbo na din kami ee nasa 4th floor kami siksikan na sila sa hagdan pababa. 

Ee no choice na kami, malapit na yung mga zombies. Tinalon namin hagdan pababa hanggang 3rd floor, inulit-ulit namin hanggang sa 2nd floor. Ee yung mga zombies malapit na tapos may nakita kaming sofa dun sa hagdan nakabaliktad. Edi dun na kami nagtago pansamantala, di naman kami nakita. Pero sila nakikita namin kung pano kagatin, kaya takot na takot na din kami non, nagdecide kami na wag muna lumabas hanggang sa mawala sila. Edi yun na nga mga nawala na sila lumabas na kaming dahan-dahan dun kami sa likod dumaan.

Sakto may nakita kaming truck nang basura umaandar na siya actually pero di naman masyadong mabilis, sinigawan namin yung nag da'drive na pasakay kami. Pumayag naman yung driver na sa likod kami nang truck, may mga basura naman pero konti lang kitang-kita pa din kami sa likod. Nung padaan na sa harap nang gate na naka lagpas naman pero kita kami sa likod, edi habol-habol mga zombie ang bibilis tumakbo parang di napapagod. Sabi ko sa kanila, "MGA PRE TATALON AKO NANG TRUCK PAG MEDYO MALAYO NA TAYO SA ZOMBIE. MAG TATAGO AKO SA MGA BASURAHAN." 

Yung tipong nabubulok na basura na para di ma'amoy' ganun. Yun na nga tumalon ako, di ko din naman akalain na tatalon din sila edi takbuhan na kami. Pero ang bilis nang mga zombie tago ako sa may basurahan pero di nabubulok yung nataguan ko. 

Nakita ko na andyan na yung zombie sumunod sakin yung isa, tapos yung isa humiwalay samin di namin alam kung san nagtago. Sabi ko dun sa kaibigan naming isa wag kana gumalaw baka makita tayo. Di niya ata narinig edi nakita kami nang zombie palapit na samin nung palapit na syempre kakagatin na kami non. Parang video games yung panaginip mo parang kong nag quit sa laro biglang gising kakagatin na kami eh HAHAHAHAHAHA!

PS: Zombie lagi kong napapanaginipan, kaya pag napa naginipan kita ibig sabihin zombie ka. Jk HAHAHAHAHA
PPS. Subukan ko na ulit matulog baka may new game sa panaginip ko hahahahahaha!
Jay
Others

Comments

Popular posts from this blog

Duterte in the Middle East

Duterte tops the latest Pulse Asia Survey

The creepy story behind Lucia Juoaquin and Enzo Cruz